MAHIGIT 100 dayuhan ang naaresto sa isang ilegal na online gaming hub sa isang resort sa Cebu nitong Sabado.
Ayon sa ulat ng Bureau of Immigration (BI) Intelligence division chief Fortunato Manahan Jr. ang operasyon isinagawa sa resort sa Brgy. Agus sa Lapu-Lapu City, Cebu katuwang ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), National Bureau of Investigation (NBI), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Center on Transnational Crime (PCTC), at Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).
Kabilang rin sa operasyon ang mga tauhan mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang tumulong sa mga posibleng biktima ng trafficking.

Ginawa ang pagsalakay makaraan ilabas ang isang mission order ni BI Commissioner Norman Tansingco laban sa 13 ilegal aliens na na-monitor na overstaying at nagtatrabaho ng walang permit sa nasabing lugar.
Natagpuan ang daan-daang dayuhang abala sa ilegal online gaming operations sa loob ng resort.
Ang mga naarestong dayuhan ay sasailalim sa sa inquest proceedings at pansamantalang ikukulong bago ma -deport.
SAsampahan rin ng kaso ang mga may-ari ng resort para sa pagtatago ng mga ilegal na dayuhan sa lugar.
