HULI ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Drug Enforcement Unit ng Batangas City Police Station noong 10:55 ng gabi sa Barangay Dela Paz, Batangas City.
Kinilala ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director, Police Colonel Samson B Belmonte ang suspek bilang si alyas Burara, residente ng nasabing bayan.
Ang suspek ay isang High Valued Individual kung saan nasamsam mula sa kanya ang 11 pirasong sachet na naglalaman ng 170 gramo ng shabu na nagkakahalaga naman ng Php 1,173,000.00.
Nakuha rin mula sa kanya ang isang sling bag na naglalaman ng kalibre .45 na baril at 7 bala.
Humaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 Art. II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive firearm and ammunition act) .
“Nananatili pong maigting ang kampanya ng Batangas Police Provincial Office kontra ilegal na droga. Anumang impormasyon na makatutulong sa pagsugpo rito ay ipagbigay alam lamang po sa mga awtoridad. ”– PCol Belmonte
