NAGPAKALAT ang Batangas Police Provincial Office ng 2,426 police force sa 143 sementeryo sa lalawigan ng Batangas para sa pagsasagawa ng Ligtas Undas 2024 sa pagunita ng All Saints’ at All Souls’ day.
Ipinag-utos ni Acting Provincial Director ng Batangas PPO, Police Colonel Jacinto R Malinao,. Jr, ang pagpapaigting ng seguridad at paghahanda sa pagtulong ng awtoridad sa panahon ng UNDAS.
Kung saan itinalaga ng Provincial Headquarters ang 54 na miyembro ng PNP para sa Police Assistance Desk (PADs) sa mga sementeryo, commercial areas, parke at community centers gayundin sa mga major tourist destinations bus terminals, at seaports dahil sa pagdagsa ng mga bisita at motorista.
Naka- full alert status nag PNP sa panahon ng Undas na nagpapakita ng paninindigan para tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga Batangueño sa mahalagang okasyong ito.
“We are committed to ensuring peace in Batangas, especially in the areas where your loved one’s rest. We are united in our efforts to keep you and your families safe during this time”, dagdag pa ni Malinao.
Ang maagap na gawa ng PNP, kabilang ang serbisyo na masiguro ang kaligtasan ng publiko, at koordinasyon sa ibang mga ahensya ay naglalayong magkaroon ng Ligtas Undas 2024 .