June 15, 2024

The Insider News

Direct from the source

Honesty is the best policy

KAKAIBANG Anti-Cheating Policy ang ipinatupad ng Maragondon National High School sa Cavite upang maiwasan ang pangongopya sa kanilang First Quarterly Examination. 

Bawat mag-aaral ay nag-suot ng mga Anti-Cheating Hat upang masigurong nakatutok sa kani-kanilang sariling test paper. 

Tila naki-sit in sa klase ang ilan sa mga sikat na action figure, K-Pop idol, at cartoon character na piniling disenyo ng estudyante. 

Dito ipinakita ng mga mag-aaral mula sa Baitang 9 ang kanilang pagiging malikhain sa paggawa ng kaniya-kaniyang anti-cheating hat.  DepEd Tayo Maragondon NHS – Cavite