INUMPISAHAN ng Regional Highway Patrol-Group-Calabarzon ang pagpapaskil ng mga numero ng hotline na maaring tawagan ng mga pasahero sa bus terminal bilang paalala hinggil sa nangyaring insidente ng pamamaril sa dalawang pasahero sa loob ng bus na patungong Maynila noong Nobyembre 17, 2023.
Pinangunahan ni HPG4-A director Police Col. Rommel Estolano ang pagpapaskil sa mga bus ng stickers bilang safety advisory sa mga mananakay sa buong rehiyon ng Calabarzon.
Sa pamamagitan nito ay madaling makakaresponde ang kapulisan kung may magyaring hindi kananais-nais na hindi inaasahan sa loob ng bus . Kung mabilis na maitext o matawagan ang numero ng pulisya lalo na ang HPG na laging nagpapatrol sa kakalsadahan upang matugunan ang anumang krimen na maaaring mangyari.
Hinihikayat rin ng Estolano ang mga motorista o pasahero na i-report kung may mapansing kahina-hinalang kilos sa matataong lugar lalo na ngayong papalapit na ang kapaskuhan.
Ayon pa kay Estolano nasa 200 mobile patrol cars at 30 motorsiklo ang nagpapatrolya sa buong rehiyon 24/7.