February 24, 2024

Huling laro ng Gilas pinasiklaban ng 34 puntos ni Clarkson

Photo by FIBA

NAGPASIKLAB ng bonggang 34 puntos ang gilas Pilipinas sa una at huling laro nito sa 2023 FIBA Basketball World Cup kontra sa China nitong Sabado ng gabi sa Araneta Colisuem.

Pumuntos ng 34 si Jordan Clarkson kung saan tinalo ng Pinas ang China sa score na 96-75 .

Bumomba ng 24 puntos para ibigay sa Gilas ang 22 na kalamangan patungo sa ikaapat na quarter, 73-51 nang magsimula ang ikatlong quarter, 39-40.

Naghatid si Clarkson ng 12 puntos , 20-4 birada ay mula sa apat na magkakasunod niyang tres.

Sa ikaapat na quarter, nagawa lang China na matapyasan ng hanggang 17 puntos ang kalamangan ng Gilas.

Binuwenas sa mga offensive rebounds at naipapasok pa ang bola ng Gilas na tila gabi ng Gilas itong laro.

Hindi na kahiya-hiyang maitala sa World Cup bilang host country na walang naipanalong laban kahit isa ang bansang Pilipinas.