February 25, 2024

Ika-158 Anibersaryo ng kaarawan ni Heneral Miguel Malvar , ginunita sa Batangas

BILANG paggunita sa ika-158 na Anibersaryo ng kapanganakan ay nagdaos ng pag aalay ng bulalaklak ang kapulisan ng Batangas Police Provincial Office sa munomento ni Heneral Miguel Malvar sa Camp Gen. Miguel Malvar, Batangas Police Provincial Office, Kumintang Ilaya, Batangas City, Batangas.

Kilala si Hen. Malvar bilang kahulihulihang Pilipinong general na sumuko sa mga amerikano sa tinaguriang Philippine-American War. Si Heneral Malvar ay isang tunay na makabayan na inilaan ang buhay sa pakikibaka para sa Kalayaan ng ating bansa. Siya ay isang matapang at mahusay na pinuno na naging inspirasyon sa ating mga kapwa Pilipino na magpatuloy sa pakikipagdigma, sa kabila ng maraming balakid na kinakaharap.

“Ang katapangan, determinasyon at pagiging makabayan ni Heneral Malvar ay nananatiling inspirasyon sa mga Batangueño. Nakikiisa ang Kapulisan ng Batangas PPO sa paggunita sa ika-158 na Anibersaryo ang kapanganakan ng Bayaning Batangueño, Heneral Miguel Malvar! Tunay na ang Batangas ay lalawigan ng matatapang at magigiting! .”ayon kay PCol. Belmonte