GINUNITA ang pagdiriwang ng ika-282nd taong anibersaryo ng lungsod ng Calamba nitong Miyerkules, Agosto 28, 2024.
Kasabay nito ang isinagawang State of the City Address ni Calamba City Mayor Roseller “Ross” H. Rizal upang ilahad ang kanyang mga nagawa at programang bumago sa loob ng dalawang taong panunungkulan.
Kabilang dito ang kanyang mga proyekto at inisyatibo sa ibat-ibang bahagi ng kanyang nasasakupan tulad ng kalusugan, nutrisyon, imprastruktura, livelihood, peace and order at iba pang serbisyo.
Nabanggit ni Mayor Rizal ang kanyang buong suporta sa mga ordinansa ng lungsod at mga prayoridad na programa ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Angelito Lazaro Jr.
Aniya ang kanyang lahat ng mga proyekto at serbisyo sa ilalim ng kanyang termino ay maingat na pinag-aralan para sa ikabubuti ng kanyang nasasakupan.
Isa na rito ang Information campaign sa tamang nutrisyon, kaya naman ginawaran ng National Nutrition Award ng National Nutrition Council ang lungsod kaya naman nasungkit rin ang Excellence in Health Governance mula sa pamahalaang Panlalawigan ng Laguna , Sandugo Award mula sa Department of Health Calabarzon.
Maging ang pinalaganap at pinaunlad na “Day Care Program” ay ginawaran rin ang lungsod noong 2023 Gapas Award bilang model city mula sa Deapartment of Social Welfare and Development 4-A.
Nabigyan rin ng pagkilala ang Calamba City ng Council for the P rotection of Children ng Department of Interior and Local Government with Seal of Child Friendly Local Governance 2023 dahil sa lubos na pagsuporta sa mga batang may “Autism”.
Nakatanggap rin ng parangal ang lungsod ng Silver Award mula sa Department of Interior and Local Government 4-A dahil sa programang Manila Bay IClean-up, Rehabilitation Program 2023.
Naitala rin sa buong Pilipinas ang Calamba City bilang “least polluted “ Regional City at ika-6th Safest air quality in Southeast Asia base sa 2023 IQAir WorldAir Quality Report ng IQAir Company mula Switzerland.
Itinanghal rin ang Calamba City bilang “Destination of the year for Overnight Tourists” sa buong lalawigan ng Laguna dahil sa pinalakas na turismo.
Sa loob ng dalawang taong panunungkulan ni Mayor Rizal iba’t ibang pang parangal at pagkilala ang natanggap ng lungsod kabilang dito ang pagiging ika-6th Most Competitive Component City in the country based on 2024 Cities and Municipalities Competitiveness Index, Gawad Kalasag Seal of Excellence Award .
Katuwang ng alkalde sa pagpapalaganap ng kanyang programa ang Representante ng Kamara ng Calamba City na si Rep. Charisse Ann Hernandez-Alcantara, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Laguna at Sangguniang Panlungsod at mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Calamba City.