TALAMAK ang paglaganap ng mga serbisyo sa online platforms kaya naman huli sa magkakahiwalay na entrapment operation sa Ormoc City, Catanduanes, Iloilo City, at Zamboanga City ang anim na pekeng dentista sa dahil sa umano’y pag-aalok ng mga hindi awtorisadong serbisyo online.
Sa pinaigting na kampanya ng Philippine National Police upang pigilan ang pagsasagawa ng illegal na gawain at protektahan ang kalusugan ng publiko, naaresto ng mga operatiba ng Ormoc City Cyber Response Team ang tatlong suspek na sina alyas na “Debbie,” 36; “Sara,” 24; at “Jamal,” 32, nang isagawa ang opersyon noong Abril 7 at Abril 11, 2026.
Ikinasa rin sa Catanduanes ang operasyon kung saan ay isang 35-taong-gulang na lalaki na si alyas “Leo” ang inaresto sa Virac noong Abril 7, 2026.
Habang sa Iloilo City naman ay inaresto ang isang 21-taong-gulang na babaeng alyas “Lourdes” sa Jaro noong Abril 10, 2026, at isa pa ang naaresto sa Zamboanga Cit na isang 22-taong-gulang na lalaki na si alyas “Godoy”
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 33(a) ng Republic Act 9484 o Philippine Dental Act of 2007, kaugnay ng Section 6 ng Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.
Sinabi ni PNP Chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., “We are continuously warning the public against online individuals who offer services beyond their professional authority. Ang layunin natin ay protektahan ang ating mga kababayan mula sa anumang uri ng panlilinlang, lalo na sa mga serbisyong may kinalaman sa kalusugan”.
