Ina at dalawang bata, minasaker sa Rizal

TADTAD ng saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ang isang babae at dalawang bata sa tinutuluyang apartment sa Barangay San Juan  ,Cainta, Rizal  noong Miyerkules.

Tinukoy ni Police chief Lt.Col Orlando Carag ang mga biktimang sina Angelica Manaloto, 24 anyos ; Nica Mangi,4 ;at Renz Orly Trinidad ,7 taong gulang.

Base sa inisyal na ulat , natagpuan ni Ericson, kapatid ni Manoloto na naliligo sa sariling dugo ang mga biktima nang puntahan nito ang apartment .

Sa kanya salaysay , sarado ang main  gate ngunit bukas ang pintuan at walang sumasagot sa kanyang pagtawag .

Nang pasukin ang apartment , tumambad na ang mga nakahandusay na katawan ng mga biktima.

Nawawala rin ang ilang  kagamitan  at pera ng mga biktma.

Pinag-aaralan na ng mga awtoridad ang CCTV footages sa lugar.

Habang iimbatahan na rin ng mga awtoridad ang person of interest sa karumaldumal na pagpaslang .