DURING the House Committee on Basic Education Hearing, Kabataan Partylist flags proposed bills granting emergency powers to the President to spearhead classroom construction acceleration. These include powers to establish a different procurement process, negotiate directly with approved contractors and to realign available national governments funds, which are all prone to abuse.
“Paso na ng flood control projects, kaya ngayon classrooms na ba ang bagong raket? Sayang ang biggest budget in history sa education sector, kung mapupunta lang to sa kamay ng korap o ng malaking negosyo. Kulang na nga, gagatasan pa. Bigger budget wag bigger raket!” warned Assistant Minority Leader Kabataan Rep. Atty. Renee Co.
“Hirap kaming pagkatiwalaan si Marcos Jr. dahil inaprubahan niya taon-taon ang budget na puno ng pork. Hanggang ngayon di pa nasasagot o iniimbestigahan ang mga alegasyon na tumanggap din siya ng kickback sa mga insertions. Kung hindi man siya korap mismo, pinabayaan niyang manakaw ang pondo ng bayan. Kaya hindi matalinong ipaubaya sa kanya ang classroom acceleration,” explained Co.
“The flood control scandal has proven so far that corruption is an internal arrangement. Safeguards are not enough kung ang pinwesto natin ay mastermind din pala ng korapsyon,” remarked Co.
“Kasabay ng dagdag pondo, dapat mapanagot na lahat ng korap na opisyal. Karugtong nito ang pagbuo ng masterplan kung paano hindi lang hahabulin ang classroom shortage natin, pero papaunlarin din ang ating education infrastructure na maging de kalidad at climate proof. Dapat pahusayin pa ang trabaho ng mga ahensya para mataguyod ang plano na ito, kaysa ipasa ang bola sa Pangulo,” said Co
