BINAWIAN ng buhay ang isang kadete ng Maritime Academy makaraang makadama ng paninikip ng dibdib nang parusahan ng kanyang opisyal ng matinding ehersisyo .
Nabatid ng pulisya ang biktimang si Cadet Vince Andrew Anihon Delos Reyes, 19 anyos, ng Conception Tagumpay, Baco, Oriental Mindoro, ang biktima ng trahedya sa Maritime Academy sa Bgy. Canlubang, Calamba City, Laguna.
Ayon sa ulat ng Calamba City Police Station, nangyari ang insidente sa Cabin 121C, NYK-TDG Maritime Academy, sa Bgy. Canlubang, bandang alas-5 ng hapon noong Lunes, ngunit iniulat lamang sa kanila alas-3:50 ng madaling-araw ng sumunod na araw.
Sa pagsisiyasat, nasabing pinapatawag ni “Nathaniel,” ang kanyang upper classman, si Delos Reyes upang pag-usapan ang kanyang paglabag. Sa di inaasahang pangyayari, nagpadala ng thumbs up sign si Delos Reyes sa halip na ang salitang “OK” sa group chat ng Corps of Cadets.
Pagkatapos ng hapunan, sumunod si Delos Reyes sa utos at pumunta sa cabin ng kanyang upper classman .
Naririnig na pinag-ehersisyo si Delos Reyes subalit habang ginagawa ito, biglang nagkaroon ng hirap sa pag-hinga ang biktima nang sumandal ito sa kama ay biglang na lamang bumagsak ito sa sahig.
Lumapit sina Marvin Kher Pigao Mojica, 21; Norvin Michael Papustol Lugasan, 20; Keith Dranoel Villar Garcia, 19; at Ira Kenn Ebale Poralan, 19, na nakasaksi sa pangyayari at dinala si Delos Reyes sa infirmary para sa lapatan ng first aid.
Sinubukan na din ang cardio pulmonary resuscitation (CPR) si Delos Reyes bago siya dalhin sa Global Care Medical Center, kung saan idineklara siyang dead on aarival ng doktor na si Dr. Frederick Allen Herrera.
Sa ngayon ay kasalukuyang nakakulong sa Calamba City Police Station ang upper classman cadet at kakaharapin ang mga kasong kinasasangkutang reckless imprudence resulting in homicide.
