NATAGPUAN ang kagamitan ng mga nawawalang beauty queen at Israeli boyfriend sa San Jose Road sa Barangay Cristo Rey, Capas, Tarlac .
Nakita ng Bureau of Fire Protection sa isang nasusunog na sports utility vehicle (SUV) ang isang ATM card at ID picture ng beauty pageant candidate sa mula Pampanga.
Naiulat na nawawala sina Geneva Lopez, 27 anyos, kandidata sa Mutya ng Pilipinas 2023 mula sa Pampanga, at ang kanyang boyfriend na si Yitshak Cohen, 37 anyos, parehong residente ng Brgy. Malabanias, Angeles City mula pa noong Biyernes sa Angeles City, Pampanga.
Humingi ng tulong sa mga awtoridad si Joni, kapatid ni Geneva, matapos maglabas ng flash alarm ang Capas Municipal Police Station hinggil sa isang iniwang abandunadong nasunog na sasakyan.
Ang magkasintahan ay hindi ma-contact sa pamamagitan ng social media at mobile phone mula noon pang Hunyo 21.
Bago ang kanilang pagkawala, sinabi ng beauty queen sa kanyang mga kamag-anak na pupunta sila sa Capas, Tarlac upang makipagtagpo sa isang taong ka- transaksyon sa bibilhing property.
