PERSONAL na sinuri ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang plenary hall kabilang ang mga opisyal ng Kamara bilang huling paghahanda sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa darating na Hulyo 27.
Ayon kay Dy, tungkulin nilang siguraduhing maayos at ligtas ang lahat ng bahagi ng mahalagang okasyon hindi lang sa gobyerno kundi sa bawat Pilipino — ito raw ang pagkakataon ng Pangulo na iulat ang kalagayan ng bansa. Sinabi ni Dy na “Handa na ang Kamara para sa ikalimang State of the Nation Address ng Pangulo.”
Pinatunayan din ng Speaker na napagkasunduan ng Kamara at ng Malacañang na gawing simple pero dignified ang SONA ngayong taon, bilang pagrespeto sa kahalagahan ng seremonya.
