Lipa City, Batangas – PINAGHAHANDAAN na ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ang implementasyon ng mga Farm-to-Market Road (FMR) Projects sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) 2026 matapos magsagawa ng planning at coordination meeting noong Hulyo 8 sa Argosino Hall, LARES Compound, Barangay Marawoy, Lipa City.
Sa pangunguna ng Regional Agricultural Engineering Division (RAED), tinalakay sa pulong ang mga plano at hakbang upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga proyekto sa iba’t ibang ba Sa pangunguna ng Regional Agricultural Engineering Division (RAED), tinalakay sa pulong ang mga plano at hakbang upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga proyekto sa iba’t ibang bahagi ng CALABARZON. sa mga bukirin patungo sa mga pamilihan.
Dumalo rin sa pagpupulong sina OIC-Regional Technical Director Engr. Romelo F. Reyes, Planning, Monitoring and Evaluation Division Chief Carmelita S. Ramos, RAED Standards, Regulations, and Enforcement Section Chief Engr. Triniza S. Jardin-Millare, RAED Program Anthony O. Mercado.
Sa pamamagitan ng mga Farm-to-Market Road projects, inaasahang mas mapapadali ang transportasyon ng mga ani, mababawasan ang gastusin sa pagbibiyahe, at tataas ang kita ng mga magsasaka sa rehiyon.
