NAGLABAS ng subpoena ang kamara laban kay Davao-based televangelist Apollo Quiboloy kaugnay ng na naglalayong bawiin ang kongresyonal franchise ng Swara Sug Media Corporation, na nagpapatakbo bilang Sonshine Media Network International (SMNI).
Iniimbitahan si Quiboloy at magpatotoo sa harap ng House Committee on Legislative Franchises sa Marso 26, 2024, sa 1 ng hapon.
Ang pagdinig ay gaganapin sa Conference Room Nos. 7 at 8, Ramon V. Mitra Building, na matatagpuan sa loob ng Batasang Pambansa complex sa Quezon City.
“Please be advised that failure to comply with this Order will constrain the Committee to resort to Section 11 of the Rules of Procedure Governing Inquiries in Aid of Legislation of the House of Representatives on the power of contempt,” ang laman ng subpoena.
Ang subpoena ay nilagdaan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Committee on Legislative Franchises Chair Parañaque City 2nd District Rep. Gus S. Tambunting, at House Secretary General Reginald “Reggie” Velasco noong Pebrero 13.
Matatandaan na ang Tambunting panel ay nagpasya na maglabas ng subpoena kay Quiboloy matapos ang kanyang pagkawala mula sa mga pagdinig ng komite na idinaos noong Disyembre 5 at 11, 2023, at Pebrero 7, 2024, kahit na siya ay nakatanggap ng maraming paanyaya.
Binigyang-diin ni Surigao del Sur 2nd District Rep. Johnny Pimentel, bise chairman ng franchise panel, na mahalaga ang pagdalo ni Quiboloy, na mabigyang linaw ang ilang katanungan o pagsisiyasat.
“We deemed it necessary to compel Pastor Quiboloy’s attendance at the next hearing. He is the main actor in this inquiry, and there are numerous questions that demand his clarification, particularly regarding the ownership of Swara Sug,” sabi ni Pimentel.
Sa pagdinig noong Pebrero 7, pinabulaanan ng legal advicer ng SMNI, na si Mark Tolentino, sa komite na si Quiboloy ay may titulo bilang “honorary chairman” sa network at hindi aktibo sa araw-araw nitong operasyon.
Gayunpaman, nanatiling nagpapatunay ang mga mambabatas na si Quiboloy ang tunay na “beneficial owner” ng parehong Swara Sug at SMNI, na regular na nagpapalabas ng kanyang mga sermon.