
PATULOY ang pagtaas ng kaso ng dengue kung saan naitala ang 62,313 mula Enero hanggang Marso 1, 2025 o 73 porsyento mas mataas kaysa noong nakaraang taong 2024 ayon sa Department of Health .
Pinaka marami ang tinamaan sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (Calabarzon) kung saang pumalo sa 12,735 , sumunod sa National Capital Region na may 11, 291 at 10, 185 sa region 3 base sa pinakahuling talaan nitong Marso 1, 2025.
Karamihan sa tinamaan ng dengue ang mga batang may edad 14 taong gulang pababa.
Agad namang naglagay ng mga Dengue Fast Lanes sa mga pampublikong ospital upang mas mabilis na matugunan ang mga pasyenteng may sintomas ng dengue.
Lubos ang pagpapaalala ng DOH na maglinis ng kapaligiran at puksain ang mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok.
Hinihikayat din ng DOH ang publiko na agad magpakonsulta sa pinakamalapit na health facility sa oras na makaranas ng sintomas ng dengue.
Ang mga ahensya ang publiko na maging mapagmatyag at sundin ang mga preventive measures upang maiwasan ang paglaganap ng sakit.