San Fernando City, La Union – KINUMPIRMA kahapon ng Provincial Government ng Ilocos Sur sa pamamagitan ng kanilang Provincial Health Office (PHO) na mayroong silang kaso ng Mpox at ito ang kauna-unahan sa probinsya.
Ayon pa sa nilabas na salaysay ng PHO Ilocos Sur, ang unang kaso ay naitala noon Abril 19, 2025 sa bayang ng Tagudin.
Ang pasyente ay 34 taong gulang na babaeng balikbayan mula sa Qatar at siya aya nakauwi ng Pilipinas noong March 1, 2025. Ayon sa pasyente, sya ay nakaranas ng sintomas ng Mpox gaya ng fever, rashes at swollen lymph nodes noong Disyembre habang sya ay abroad. Sya ay kasalukuyang nasa Ilocos Training and Regional Medical Center at sumasailalim sa paggamot.
Tiniyak naman ng PHO – Ilocos Sur na ito ay isang isolated case lamang at wala silang local transmission sa kanilang probinsiya.
“We urge everyone to remain calm and vigilant. Let us continue practicing good hygiene and stay informed through verified sources. Together, through proactive information and coordinated public health efforts, we will guarantee the safety and well-being of everyone,” dagdag pa ng local na pamahalaan.
