
photo by Chinita Princess
ISA si Kim Chiu sa naging very happy sa wedding nina Vice Ganda at Ion Perez sa ibang bansa (dahil alam naman natin na hindi pa puwede ikasal sa bansa ang may parehong gender).
Binati ni Kim ang dalawa sa kanyang Instagram post, saying sobrang ganda ng love story ng bagong kasal.
“A beautiful love story that has to be told. Super happy for you, Mama (tawag ni Kim kay Vice) at ngayon ay papa @pereziion 27.
“You both deserve each other. Right Time. Right Person at the very Right Moment!!! Sobrang amazing!!! Cheers to forever!!! CONGRATULATIONS!!!!!” ang caption ni Kim sa larawan nila ni Vice at Ion kasama ang iba pang “It’s Showtime” family.
Kantiyaw tuloy kay Kim ng kanyang fans na sana raw ay sumunod na rin silang magpakasal ng boyfriend niyang si Xian Lim.
Sa pagre-resign ni Toni Gonzaga as main host ng PBB, siya namang pagpasok ni Kim sa reality show para samahan mag-host sina Robi Domingo, Enchong Dee, Melai Cantiveros at Bianca Gonzales — ang main host na ipinalit kay Toni.
Matatandaang sa PBB galing si Kim, na naging grand winner, kaya super happy siya to be a part of the show as one of the hosts.
“It was memorable for me. Thank you, Lord God for guiding us. Maraming salamat sa lahat ng mga sumusuporta at patuloy na sumusuporta sa kuwento ng totoong buhay ng mga nagiging PBB housemates. We all did it THE KAPAMILYA WAY, “ post ni Kim sa Instagram account tungkol sa naging hosting job.
Dagdag pa ni Kim: “I will be forever grateful to this house…to the team behind PBB…to co-hosts, salamat sa pag-guide kagabi at sa pagpa-practice sa akin to talk to the housemates. Grabe! Surreal experience yun. First time.”