
NADISKUBRE ng Philippine Coast Guard ang anim na kontrabandong kahon ng sigarilyo sa Barangay Calasaguen, Brooke’s Point, Palawan, noong ika-18 ng Pebrero 2024.
Tinatayang may halagang Php 120,000 sigarilyong iniwan sa nasabing lugar .
Ang mga kontrabando inireport ng isang concerned citizen sa mga tauhan ng PCG kung saan nakabalot ang mga ito sa isang tarpaulin .
Magsasagawa ng imbestigasyon ang Coast Guard District Palawan (CGDPAL) at Palawan Tobacco Institute (PTI) upang matukoy ang pinagmulan ng kontrabando at malaman ang pagkakakilanlan ng mga suspek na nag-iwan nito.