
NABIKTIMA ng mga snatcher na sakay ng motorsiklo ang isang Koreano nitong Miyerkules sa Angeles City, Pampanga.
Sa ulat na nakarating kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., mula kay Angeles City police commander Col. Amado Mendoza Jr. na nahuli ng kanyang mga tauhan ang mga snatcher na sakay ng motorsiklo.
Naaresto sina John Israel Teodoro, 23, isang Joyride driver na naninirahan sa 1634 Milagros St., Sta. Cruz Manila, at ang kanyang backrider na si Angel Dizon, 23, isang tauhan ng PAGCOR na naninirahan sa 1339 S. Nicolas St., Tondo Manila.
Sinabi ni Mendoza na ang biktima ay si Ho Cheol Kang, isang 58-anyos na Korean national na nakatira sa 300 Unit-J, Malabanias Road, Josefa Subdivision, Bgy. Malabanias Angeles City.
Sa inisyal na imbestigasyon, nakita ang biktima ng mga suspek na naglalakad kasama ang kanyang mga kaibigan na lalaki nang biglang lumapit ang mga ito mula sa likuran ng isang puting motorsiklo at agad na kinuha ng backrider ang kanyang sling bag na naglalaman ng isang smartphone na nagkakahalaga ng P30,000, 3,000,000 Korean won, USD5,000 cash, isang pasaporte, isang Korean ID, at apat na Korean cards.
Makaraan ang ilang sandal ay mabilis na sumakas ng motorsiklo at saka mabilis itong humarurot papalayo sa lugar.
Ang mga miyembro ng Angeles City police ay nag-review ng CCTV kaya naman agad na nagsagawa ng follow-up operation na humantong sa pag-aresto sa mga suspek.
Mahaharap sa kasong robbery ang mga naarestong suspek .
Top of Form