
WALA ng buhay nang matagpuan ang isang 56-anyos na dayuhan sa loob ng motel sa Barangay Pulong Sta. Cruz , Sta. Rosa Laguna kahapon ng madaling araw ng Sabado.
Natukoy ang Korean national na si Inkyun Na,n 56 anyos. ,
Sa insiyal na imbestigasyon ng pulisya , bandang ala- 1:57 ng madaling araw ng Pebrero 9, 2024 naka check-in ng 1-day ang biktima sa room 324 sa Sogo Hotel, Barangay Pulong Sta. Cruz ng nabanggit na lugar.
Bandang alas 5 na ng madaling -araw ng Pebrero 10 ng matagpuang nagpakamatay ang nakahandusay at duguang biktima makaraang buksan ng supervisor ang kanyang kwarto .
Sa ngayon ay nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang mga otoridad kung may nangyaring foul play sa nasabing pangyayari.