February 23, 2024

Libreng sakay ng Kamara-MMDA palalawigin hanggang Biyernes

PALALAWIGIN hanggang Biyernes ang libreng sakay na ibinibigay ng Kamara de Representantes at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pasaherong apektado ng libreng sakay.

Ang pagpapalawig ng libreng sakay ay bunsod ng pahayag ng grupong Manibela na magsasagawa rin ito ng transport strike mula ngayong araw, Miyerkoles hanggang sa Biyernes.

“Rest assured that the House of the People is committed to alleviating any inconvenience caused to commuters by this transportation disruption,” sabi ng pahayag na inilabas ng Office of the Speaker.

Nakipag-ugnayan ang Office of the Speaker kay MMDA acting Chairman Atty. Romando S. Artes upang makapagbigay ng libreng sakay sa mga apektadong pasahero bunsod ng transport strike na inilungsad ng PISTON mula Lunes hanggang Miyerkoles.

Ayon kay Artes ang mga bus na nagbibigay ng libreng sakay ay may rutang SUCAT-Baclaran, Pasig-Momumento-Quiapo, Philcoa-Doña carmen, Parañaque City to City Hall, at Antipolo-Quiapo.