
GAGAWIN ng 24 oras ang ‘Libreng Sakay “sa EDSA ngayong papalapit na ang Christmas Season na magsisimula Disyembre 15 hanggang 31, , ayon ito sa Department of Transportation DOTr.
Sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista na hindi na magkakaroon ng libreng sakay pagdating ng 2023 sa dahilang wala ng pondo para sa programa, subalit umaasa aniya siya na makokonsidera ng mga mambabatas ang benepisyo ng Libreng Sakay sa mamamayan at mabibigyan ito ng kaukulang pondo upang maipagpatuloy ng pamahalaan ang programa.
Ang pahayag ay ginawa ni Bautista matapos syang magtalumpati sa Regional Directors Conference ng Land Transportation Office kung saan, sya ay nanawagan sa mga opisyal ng LTO na suportahan ang programa ng pamahalaan kaugnay sa modernisasyon ng mga pampasaherong jeep. Dagdag pa riyan ang Road Safety Program ng ahensya.
Kanya ring inanunsyo na sa kasalukuyan ay naglalatag na ang ahensya at iba pang stakeholders ng plano patungkol naman Child Road Traffic Injury Prevention.
Kaugnay naman sa Bus Carousel, inihayag din ni Bautista na gagawin din sa ibang key cities ng bansa ang bus carousel na umiiral sa EDSA.