LOL NG TV5 HINDI MAWAWALA SA ERE

NAITSIKA ni Ogie Diaz kamakailan sa YouTube Channel nila ni Mama Loi sa “Update Showbiz” na masisibak na umano ang noontime show ng TV5 na “Lunch Out Loud.”

Pero, wala pa naman daw kasiguraduhan dahil may nagparating lang naman daw sa kanila.
Nagkaroon ng chance na makausap ni Ogie ang main host ng “LOL” na si Billy Crawford.
Ayon kay Billy, nagti-tape na raw sila ng mga bagong episodes para sa programa.
Maging si Atty. Joji Alonso,  kumontak din sa kanya  regarding the matter.

“Tumawag din kahapon sa atin si Atty. Joji Alonso, ang legal consultant ni Congressman Albee Benitez, para sabihin na, ‘Uy di naman totoo yan. Hindi totoo yan, tuluy-tuloy ang taping at malabo ‘yan dahil kahit si Congressman Albee Benitez na busy sa kanyang kandidatura sa Bacolod ay definitely di raw niya i-gi-give up ang ‘LOL.’ So, tuluy-tuloy pa rin daw ang trabaho.

Bukod diyan, nakausap din natin si Billy. Si Billy Crawford ay nakausap natin at sinabi nga niya na hindi  totoo yan. Wala pang sinasabi sa amin. Actually meron kaming fresh episodes na tinape at magte-taping pa ulit kami.’ Nasa France lang daw siya. Ayan maliwanag na po.

Ayon kay Atorni Joji hindi raw igi-give up ni Congressman Albee Benitez ang programa.
Nilinaw din  ni Billy na nagti-taping na sila ng mga bagong episode.
Meaning, hindi na replays ang mga mapapanood ng kanilang viewers.
Ang tanong lang: Kailan  daw sila makakapanood ng bagong episode?