June 19, 2024

The Insider News

Direct from the source

Lola ni Robi Domingo , pumanaw sa araw ng kasal nila ni Maiqui

ISANG malungkot na balita ang natanggap ng TV host na si Robi Domingo sa araw mismo ng kanyang kasal noong Sabado, Enero 6.

Sinabi kasi ng kanyang ina na sumakabilang buhay na ang kanyang lola matapos ang selebrasyon ng kanyang kasal sa  non-showbiz girl friend na si Maiqui Pineda.

Bahagyang itinago pansamantala kay Robi ng kanyang pamilya ang pagpanaw nito upang makapag-focus sa reception ng kanyang wedding.

Sa kanyang Instagram post ngayong araw ng Martes, Enero 9 naglabas ito ng larawan kasama ang kanyang pinakamamahal na lola.

“Bittersweet ..January 6 was the happiest day of my life My heart  was filled with immense gratitude -from preps in the morning , to the ceremony , to the reception which lasted until dawn”.

“As I was about to leave the place, my mom was sobbing as she tried to tell me that my Lola passed away that same morning. Apparently , my family didn’t tell us so that our focus was our magical day”, ayon sa post ni Robi sa kanyang Intagram account.

Matatandaang ikinasal si Robi at Maiqui sa Diocese ng San Isidro Labrador Parish sa Pulilan , Bulacan nitong nakaraang Enero 6, 2024.