May 19, 2024

The Insider News

Direct from the source

Lolo na wanted sa panggagahasa, tiklo sa Batangas

TIMBOG ang rapist na senior citizen na tinaguriang Rank 1 Most wanted sa regional level matapos arestuhin ng pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng Batangas at Cavite, Martes ng umaga.

Sa ulat ni Batangas Provincial Director PCol. Glicerio Cansilao kay Calabarzon regional Director PBrig. Gen. Eliseo DC Cruz, natukoy ang suspek na si Loreto Bayborda De Leola, 63, ng Barangay Navarro General Trias.

Inaresto ng mga otoridad ang suspek na may 3 counts of rape makaraang ihain ang warrant of arrest na inilabas ni Honorable Judge Carolina de Jesus ng RTC Branch 9 Balayan Batangas noong Enero 20, 2016. Walang piyansang ibinigay ang korte sa suspek.