
APAT na miyembro ng isang pamilya ang namatay sa sunog na tumama sa isang residential building ngayon (Abril 7, 2025) sa Las Piñas City, Metro Manila.
Sinabi ng Bureau of Fire Protection (BFP) na ang mga biktima ay isang 38 taong gulang na lalaki, ang kanyang 35 taong gulang na asawa at kanilang mga anak na may edad 17 at 3.
Naipit ang mga biktima sa ikalawang palapag ng nasusunog na residential building.
Lumabas sa imbestigasyon na nagsimula ang sunog pasado 1:30 ng madaling araw sa isang residential building sa Bernabe Compound sa Bgy. Pulang lupa Uno sa Las Piñas City.
Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog.
Hindi bababa sa apat na firetruck ang lumalaban sa apoy.
Idineklara ng mga bumbero ang fire out bandang 1:37 a.m.
Ayon sa mga awtoridad, faulty electrical wiring o isang overheat na appliance ang nagsimula ng sunog.
Nasa P600,000 ang halaga ng pinsala sa sunog.