Mag-asawa patay sa lindol nang matabunan ng gumuhong pader

NASAWI nang madagagan ng pader ang mag-asawa sa General Santos City matapos yanigin ng 6.8 na lindol ang Southern Mindanao nitong Biyernes ng hapon.
Nakilala ang mag-asawang biktima na sina Danny Ginung 26-anyos at jane Ginung , 20 -anyos ng Amadeo compound sa Barangay Sinawal ng General Santos City.
Sa inisyal na ulat, nagtago ang mag-asawa sa likod ng pader nang yumanig ang lupa dahil sa pagpapanic na naging dahilan na matabubunan sila .
Matapos ang pagyanig ay dalawang oras na nawalan ng kuryente sa Sarangani .
Makaraan ang ilang minuto ay nakatanggap na ng ulat ang mga otoridad na natabunan ang mag-asawa ng gumuhong pader sa Barangay San Isidro.
Agad na sinaklolohan ng mga otoridad ang mga biktima ngunit wala ng buhay ang naisalba.