UMABOT sa 158 Dabawenyo ang pinalakas ng mga tanggapan nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano, sa pakikipagtulungan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga toolkit na magpapalakas sa kanilang mga bagong nakuhang vocational training.
Natanggap ng unang batch ang kanilang mga toolkit noong May 30 (Miyerkules), kung saan pinangasiwaan ng pangkat ng mga senador ang turnover program sa Mati City, Davao Oriental para sa kabuhayan ng 91 mag-aaral ng Special Training for Employment Program (STEP) ng TESDA na nakatapos ng mga kwalipikasyon sa Tailoring NC II at Dressmaking NC II.
Binubuo ang mga beneficiary ng mga manggagawa sa industriya at kababaihan ng Bangsamoro. Nagtapos sila sa Career Center Academie and Technological Institute, Inc. noong 2023, salamat sa scholarship na ibinigay ng magkapatid na senador sa STEP 2023 Program.
Kumuha silang lahat ng STEP track, na isang community-based specialized training na idinisenyo upang tugunan ang mga lokal na kakulangan sa kasanayan at hikayatin ang trabaho sa pamamagitan ng maliliit na negosyo, self-employment, at self-oriented na aktibidad.
Masayang ikinuwento ni Editha Umbaligan, isa sa mga nagtapos na organizer para sa lokal na kababaihang Muslim, kung paano nakapasok ang kanilang komunidad sa dressmaking training.
“Nagsabi ang grupo na sana matulungan ko sila na magkaroon ng sariling pagkakakitaan kaya nag request ako na matulungan kami. Hindi ko inakala na magkakaroon ng katuparan ang aming mga request at nagkaroon ng training,” ibinahagi ni Umbaligan.
Sa tagumpay ng programa at epekto nito sa kanilang komunidad, umaasa si Umbaligan na ang kanilang grupo ay maaaring kumuha sa susunod ng entrepreneurship training upang maitatag ang negosyo ng mga dressmaker sa kanilang komunidad.
Pinasalamatan din niya ang magkapatid na Cayetano sa kanilang tulong. “Kulang ang salita para sa pasasalamat. Hindi namin akalain na sa malayo layo ng lugar namin ay darating ang tulong galing kila Senador Alan at Pia Cayetano. Maraming maraming salamat po!” sabi niya.
Dinaluhan ang handover event nina TESDA Davao Oriental at TESDA 1 Specialist at Representative ng Provincial Director Martina Cruz, School Principal ng Career Center Academie and Technological Institute, Inc. Norma Albano, at School Administrator Mary Jane Trinidad.
Kinabukasan, May 31, isinagawa ang ikalawang batch sa pamimigay ng tool kits para sa 67 na sa Tagum City, Davao del Norte upang mapalago ang kanilang kabuhayan. Ito ay matapos nilang makumpleto ang kwalipikasyon sa Cookery NC II, Bread and Pastry Production NC II, Driving NC II at Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC II.
Nagtapos ang mga mag-aaral mula sa limang TESDA accredited institutions: Mother Rosario School of Tagum, Inc. (16 graduates), Technical Education School and Assessment Center ng Tagum, Inc. (17 graduates), Quicktrain Learning Center, Inc. (17 graduates) at Luwil Institute of Technology Inc. (17 nagtapos).
Bukod sa scholarship na ibinigay ng magkapatid na Cayetano, naging posible ang event na ito sa tulong ni Tagum City Mayor Rey Uy, kasama si Ciara Uy-Salazar na kinatawan ng alkalde sa event, at TESDA Provincial Director Jasmin J. Neri at Acting City Public Employment Service Office Head Mae-Ann Ang.
Sa dalawang event, binigyang-diin ng pangkat ng mga senador ang walang patid na suporta nina Senador Alan Peter at Pia para sa mga hakbangin na nagbibigay-kapangyarihan sa mga marginalized na sektor, at ang kanilang pangako sa mga strategic partnership tulad ng sa TESDA na nagbibigay kapangyarihan sa mga indibidwal at iangat ang mga komunidad.
