May 24, 2024

The Insider News

Direct from the source

Matteo at Sarah handa na magkaroon ng baby

Ni Len Dancel

HANDANG-handa na  magkaroon ng baby ang sikat na celebrity couple na sina Sarah at Matteo Guidecelli bago ang taong 2024.

Sa isang interbyu kay Matteo  sa ginanap na mediacon para sa pagbabalik nito sa isang network sinabi nito na “Four years ago, sabi ko, I will start choosing my projects wisely. Projects that will uplift the Filipino people and tell the stories of the Filipino people. So, I think this is the perfect platform and the perfect venue to do it.”

Pagtutuunan naman nila ng pansin ay ang pagbuo ng kanilang sariling pamilya matapos raw ang mga commitments nila ng misis.

Ready na siyang maging daddy at ang asawang si Sarah ay handa na rin daw na maging mommy dagdag ni Matteo,

Tiniyak ng aktor na bago matapos ang taong ito (2023) ay makakabuo na sila ng misis niya ng kanilang sariling anak.

Sa ngayon, busy pa ang Popstar Royalty at katatapos lang ng 20th anniversary concert nito na ginanap kagabi, May 12.