NAKIPAGPULONG ang Meralco kay Quezon City Mayor Joy Belmonte kamakailang upang talakayin ang mga target na programa para sa lungsod ngayong taon.
Ang energy provider ay patuloy sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan kabilang na ang Household Electrification Program, paglahok sa Social Services Caravans, at ang pagtatatag ng isang kiosk sa pasilidad ng Ease of Doing Business ng lungsod.
Plano rin ng Meralco na palawakin ang Anti-Urban Blight (AUB) Operations na naglalayong pangalagaan ang mga residente mula sa mga panganib na dulot ng hindi awtorisadong koneksyon at pagsasabit ng mga kable ng kuryente.
Kasama ni Mayor Belmonte sina Assistant City Administrator for Fiscal Affairs Don Javillonar, City Engineer Atty. Dale Perral, at iba pang opisyal ng lungsod.
Kabilang rin ang mga senior officials ng Meralco, SAVP at Kamuning & Roosevelt Business Center Head na si Agnes Macob.
