
NIYANIG ng magnitude 5.3 na lindol ang Occidental Mindoro ngayong Lunes ng hapon ,ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs. Tumama ang tectonic quake na may 16 na kilometro hilagang -kanluran sa bayan ng Abra de Ilog bandang alas 3;22 p.m na 106 kilometrong lalim.
Nadama ang Intensity III sa Puerto Galera,Oriental Mindoro at Intensity II sa Quezon City habang Intensity II sa Batangas City; San Jose ,Occidental Mindoro;Tagaytay City; Magalang ,Pampanga at intensity I naman sa Muntinlupa ;Carmona, Cavite.