AGAD na naaresto ng mga tauhan ng Buenavista MPS ang isang small scale miner matapos siyang masangkot sa isang murder incident na naganap sa Buenavista, Quezon .
Kinilala ang naarestong suspek na si Deymar Loresca Abrincillo, 38 taong gulang, at residente ng Brgy. Cadlit, Buenavista, Quezon.
Ayon sa Buenavista MPS, lumapit sa kanilang himpilan ang isang lalaki na nagpakilalang ninong ng suspek at umamin di umano sa kanya ang suspek patungkol sa kanyang nagawang krimen kaya naman agad niya itong isinumbong sa himpilan ng kapulisan.
Agad naman nagpunta sa lugar ng insidente ang mga imbistigador at itinuro ng suspek ang nagturo lugar kung saan n’ya tinangkang itago ang biktima sa pamamagitan ng pagtapon sa isang mining hole sa bulubunduking bahagi ng nasabing barangay.
Sa salaysay ng suspek, nagkaroon di umano sila ng hindi pagkakaintindihan ng biktima kaya niya ito sinakal gamit isang nylon cord.
Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Buenavista MPS ang suspek habang hinahanda ang mga kinakailangan dokumento para sa kasong murder na isasampa sa kanya.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Quezon Police Provincial Office sa pamumuno ni PCOL Ledon D Monte kasabay ang pangako na gagawin ang lahat para makamit ng biktima ang hustiya na nararapat sa kanya.