INARESTO ng mga tauhan ng Angono Municipal Police Station ang number 8 Most Wanted Person sa Rizal na may mga kasong Illegal Recruitment at Estafa bandang alas-4:41 ng hapon sa Brgy. Poblacion Angono, Rizal
Base sa ulat, kinilala ang naarestong akusado na si Alyas Lardo, 61-anyos na nakatira sa nabanggit na lugar sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng Regional Trial Court Manila para sa mga kasong Illegal Recruitment na walang nirerekomendang piyansa para dito at Estafa na may nakalaang piyansa na nagkakahalagang PHP 32,000.00.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Angono Custodial Facility ang akusado habang ang korte ay iimpormahan sa kanyang pagkaaresto.
Pinuri ni PCol Felipe Maraggun , Provincial Director ng Rizal PPO sa matagumpay na pagkakaresto ng nasabing akusado at gayundin ay nagpaalala ang butihing director sa publiko na maging mapanuri at huwag basta-basta magtitiwala sa mga hindi kakilala na nagaalok ng pera na walang legal na dokumento.
