ARESTADO ang regional level most wanted person sa kasong panggagahasa sa joint operation against wanted persons ng sa Los Banos, Laguna noong Martes, December 26, sa Los Baños, Laguna.
Kinilala ni Police Colonel Harold Depositar , Acting Provincial Director, Laguna PPO, ang akusado na si alyas Ronnie, nasa tamang edad, at residente ng Los Baños, Laguna.
Isinagawa ng kapulisan ng Calamba Component City Police Station (CPS) at Los Baños Municipal Police Station (MPS) ang operation sa bisa ng warrant of arrest na nilabas ng Fourth Judicial Region Br. 8, Calamba City, Laguna noong December 20, 2023 sa kasong Statutory Rape na walang nirekomendang piyansa, Statutory Rape by Sexual Assault na may nirerekomendang piyansa na PhP200,000.00, at Lascivious Conduct under sec. 5 (b) of RA 7610 na may nirerekomendang piyansa na PhP180,000.00.
Ang akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CCPS habang ang korte na pinagmulan ng warrant ay iimpormahan sa kanyang pagkaaresto.
Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Depositar ang kahalagahan ng mabilis at desididong aksyon sa pagtugon sa mga kaso ng ganitong kalikasan. Binigyang-diin niya ang determinasyon ng puwersa ng pulisya na ipatupad ang katarungan at tiyakin na ang mga salarin sa gayong mabibigat na paglabag ay mananagot sa ilalim ng batas. Hinimok ni PCol Depositar ang komunidad na manatiling mapagbantay at aktibo sa pag-ulat ng anumang katulad na insidente upang maiwasan ang mga krimeng ito at protektahan ang kapakanan ng lahat, lalo na ng mga sektor na mas nanganganib