
Arestado sa manhunt operation ng Santa Cruz Municipal Police Station (MPS) noong Lunes sa Sta Cruz, Laguna ang most wanted person na may kasong murder na nagtago ng labintatlong (13) taon.
Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang akusado na si Ariel ng Pila, Laguna.
Ayon sa report ni PMAJ GABRIEL ANIAG UNAY, naaresto ang akusado sa isinagawang manhunt operation ng warrant personnel ng Sta Cruz MPS noong Enero 10, 2023, sa ganap na 5:07 ng hapon sa Surgery Ward ng Laguna Medical Center, Brgy. Poblacion 1, Santa Cruz, Laguna.
Ang akusado ay may standing warrant of arrest sa kasong murder na may criminal case number na CC# 10-1920 na nilabas ng Regional Trial Court, Branch 64, Labo, Camarines Norte noong Enero 24, 2020, na walang nirerekomendang piyansa.
Ang akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Sta Cruz MPS.
Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio, “Sa pakikipagtulungan ng mamamayan sa ating mga kapulisan ay mabilis na nahuhuli ang mga gumawa ng krimen sa loob man o sa labas ng probinsiya. Makakaasa po kayo na ang Laguna PNP ay hindi titigil sa pagsugpo krimen at iligal na droga”.