
Camp BGen Paciano Rizal – NAGING matagumpay anng manhunt operation ng Laguna PNP makaraang maaresto ang most wanted person (MWP) rapist sa Quezon Province noong Martes, ika-5 ng Marso, 2024.
Kinilala ni Laguna Provincial Director PCol Gauvin Mel Y Unos ang akusado na si alyas Mar, 20 taong gulang na naninirahan sa Calauag, Quezon.
Batay sa ulat ni Binan Component City Police Chief PLt Col Jonathan Robert Rongavilla , naaresto nila ang akusado sa mahunt operation na isinagawa ng kanilang kapulisan bandang 8:10 PM noong ika-5 ng Marso, 2024, sa Brgy. Mambaling, Calauag, Quezon.
Isinagawa ang operasyon sa bisa ng warrant of arrest na nilabas ng Regional Trial Court, Branch 154, Biñan City sa kasong rape na walang rerekomendang piyansa.
Isa si alyas Mar sa dalawang most wanted persons ng CALABARZON na may kasong rape at isa sa pitong wanted persons na naaresto ng Laguna PNP noong ika-5 ng Marso, ngayong taon.
Kasalukuyang nasa kostodiya ng Binan CPS ang akusado habang ang korte na pinagmulan ng warrant ay iimpormahan sa pagkakaaresto ng akusado.