
Camp BGen Paciano Rizal –TIMBOG ang Most Wanted Person sa lalawigan ng Laguna sa isinagawang manhunt operation ng Pulis Calamba nitong Enero 21, 2025.
Kinilala ni Laguna Police Provincial Director PCol Ricardo I Dalmacia ang suspek na si alyas L.A. na residente ng Calamba City.
Sa ulat ng Calamba Component City Police Station sa pamumuno ni OIC PLt.Col Victor M Sobrepena , nagkasa ang manhunt operation noong Lunes dakong 11:35 ng umaga sa Brgy. Real, Calamba City, Laguna, na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado.
Ikinasa ang operasyon sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Branch 8, Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Calamba City Laguna na nilagdaan ni Hon. Alvin Bugayong Tanguanco, Presiding Judge, ng nasabing korte. Nahaharap ang akusado sa kasong Acts of Lasciviousness under Art. 336 of the RPC in relation to sec 5(B) of RA 7610 (2 counts) na may inirekomendang piyansa PhP 180,000.00 kada kaso
Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CCPS ang arestadong akusado, agad namang inimpormahan ang Korte na pinagmulan ng warrant of arrest sa pagkakaaresto ng akusado.
Sa patuloy na pakikipagtulungan ng mamamayan sa ating mga kapulisan ay nagiging mas mabilis ang pagkakaaresto sa mga nagtatago sa batas ito’y patunay lamang na kapag nagtulungan ang mamamayan at kapulisan ay mapapanatili natin ang kapayapaan at kaligtasan sa ating pamayanan.”ayon kay PD Dalmacia.