February 25, 2024

Motorcyle cops nakahuli ng nakamotorsiklong snatchers

Ni Alex dela Cruz

BAGSAK sa kulungan ang dalawang snatcher na nakamotorsiklo makaraang maaktuhan ng mga nagpapatrolyang pulis sa National Highway sa Brgy. Niugan .Cabuyao City ,Laguna.

Tinukoy ang mga suspek na sina Raul Almarinez Gozaga,32 anyos at Gerald Cerdeña Valdez, 39 anyos mga residente ng Brgy San Antonio.

Base sa ulat ng pulisya bandang 7:45 ng gabi ng Martes nang hablutan ng telepono ng mga suspek si alyas Randy habang nakatayo saBrgy.Pulo.

MAbilis nakatakas ang magkaangkas na suspek sakay ng kanilang  Black Green Yamaha Mio patungong Sta.Rosa .

MAkalipas ang halos  isang oras ,isang biktimang si alyas Rowena ang naglalakad at saka sapilitang hinablot ang kanyang cellphone na nagkakahalagang 16,000 piso.

Naaktuhan ng mga nakamotorsiklong pulis  ang ginawa ng suspek sa biktima.

Kaya naman agad naaresto ang dalawa at dinala na sa himpilan ng pulisya.