June 17, 2024

The Insider News

Direct from the source

MPT South’s ‘Drayberks’ toll road safety seminar muling nagsimula

NAGSIMULA na muli ang Metro Pacific Tollways South (MPT South), ang concessionaire para sa Cavite-Laguna Expressway (CALAX) at Manila-Cavite Expressway (CAVITEX), para sa taunang ‘Drayberks’ Toll Road Safety Seminar, katuwang ang Vermosa Estate sa Imus, Cavite para sa unang activation nito ngayong 2024.

Dumalo ang 50 road safety, security officers, at locators ng Vermosa Estate sa first leg ng Drayberks seminar na ginanap nitong Lunes, Pebrero 19, kung saan tinuruan ang mga ito ng mga road safety practices at maging pamilyar sa mga safety features sa kahabaan ng expressway.

“We’re delighted to launch this year’s ‘Drayberks’ Road Safety Seminar in partnership with Vermosa Estate, a testament to our commitment to promoting road safety in our communities. As long-term partners, we are dedicated to ensuring that essential safety education reaches even more individuals, equipping them with the knowledge and skills needed to navigate our roads safely,” pahayag ni Ms. Arlette Capistrano, Vice President for Communication and Stakeholder Management Division ng MPT South.

“For years, our collaboration with partners like Metro Pacific Tollways has been instrumental in shaping our estates and providing vital access points to residents, businesses, and visitors alike. With a shared commitment to ensuring the safety of all road users, Vermosa and Metro Pacific Tollways proudly spearheaded this caravan, aimed at educating individuals on fundamental road safety practices,” ani naman ni Ms. Mayi Rodriguez, Senior Project Development Head ng Ayala Land Estates.

Simula pa taong 2018, mahigit sa 1,000 drivers na ang natulungan ng Drayberks seminar sa aabot sa 50 activations nito sa mga road network ng MPT South, kabilang ang CAVITEX, C5 Link, at CALAX. Pinarangalan ito ng Public Relations Society of the Philippines (PRSP) ng Silver Anvil noong 2019 sa ketegoryang Public Relations Program on a Sustained Basis Community Development (Urban/Rural) bilang pagkilala sa mga naging ambag nito patungkol sa road safety.

Ang MPT South ay isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang infrastructure arm ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC). Bukod sa CALAX at CAVTEX, hawak din nito ang concession para sa North Luzon Expressway (NLEX), NLEX Connector Road, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), at Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu.