HINALAY muna bago pinaslang ang isang babaeng iniwan sa madilim at madamong bahagi ng Ayala Greenfields 4 Barangay Maunong , Calamba City noong Sabado ng gabi.
naagnas nang matagpuan ng isang truck driver na si Nido Yanoyan, 26 anyos makaraang umihi sa lugar bandang alas 4 ng hapon.
Sa salaysay ni Yanogan naamoy niya ang ang masangsang na amoy na nagmumula sa madamong bahagi ng naturang lugar. At nang kanyang tingnan ay tumambad ang isang nakahandusay na naaagnas na bangkay ng isang babae.
Kaya naman agad niyang pinagbigay alam sa sekyu ng lugar at upang i-report agad sa pulisya ang kanyang nadiskubre.
Nang siyasatin ng mga awtoridad ang bangkay ay nakita nitong nakababa ang salawal ng biktima at pinaniniwalaang hinalay muna ito saka pinatay.
