ARESTADO ang isang Barangay kagawad nitong Huwebes dahil sa umano’y pangingikil at panunuhol sa Angeles City, Pampanga.
Ayon kay Angeles City police director Col. Amado Mendoza Jr. inulat nito kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Redrico Maranan na naaresto ay si Lionel Bernardo, 39, isang kagawad sa Bgy. Lourdes Northwest, Angeles City.
Inaresto ng magkasanib na operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) Police Station 2 at Angeles City Investigation and Detection Management Unit (ACIDMU) si Bernardo batay sa warrant na inilabas ng Regional Trial Court (RTC) Branch 116 ng Angeles City, Pampanga para sa 2 counts ng paglabag sa Anti-graft and Corrupt Practices (Republic Act 3019) o extortion, at bribery.
Nagtakda ang korte ng piyansang P160,000 para sa bawat kaso para sa pansamantalang kalayaan ni Bernardo.
Nasa kustodiya na ngayon ng Angeles City police ang naarestong kagawad.
