
TIKLO ang isang magnanakaw ng motorsiklo sa Bgy. Dau, Mabalacat City, Pampanga dahil sa mabilis na pagresponde ng pulisya nitong nakaraang Lunes.
Sinabi ni Pampanga police director Col. Jay Dimaandal na ang biktima ay si Rafael, 30, ng Malolos City, Bulacan.
Ipinarada ni Rafael ang kanyang puting motorsiklo sa labas ng Mabuti Apartment sa Pineda Subdivision at saka umalis.
Dalawang suspek kabilang ang isang 42-anyos na lalaki mula sa Sta. Teresita, Angeles City, at isang 37-anyos na lalaki mula sa Cuayan, Angeles City — ang umano’y nagnakaw ng motorsiklo.
Humingi ng tulong ang biktima sa mga nagpapatrolya sa Mabalacat Police Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU).
Nagsagawa ng follow-up operation ang mga opisyal at namataan ang mga suspek na na dala ang isang motorsiklo.
Ang isa sa mga suspek ay naaresto habang ang isa ay nakatakas sa pagkakaaresto.