WALA ng buhay nang matagpuan ang isang law student ng Dela Salle University sa Taguig na naiulat na nawawala noong Sabado sa Naic, Cavite.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Anthony Granada, 25-anyos.
Naiulat na nawawala ang Granada mula noong Hunyo 8.
Nasa advanced stage of decomposition na ang biktima nang matagpuan sa isang bakanteng lote sa Bgy. Sapa sa Naic.
Noong Sabado, sinabi ng Naic police na nakatanggap sila ng impormasyon na may natuklasang naaagnas na katawan sa lugar.
Sinabi ng pulisya na batay sa footage ng closed-circuit television, nakitang mag-isang naglalakad si Granada pasado alas-9:20 ng gabi. noong Hunyo 17 sa kahabaan ng Lopez Jaena Bridge.
Ang bangkay ng biktima ay positibong kinilala ng kanyang ama.
Habang patuloy naming isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.
