
PATAY na nang matagpuan ang isang babaeng teenager na iniulat na nawawala ng kanyang pamilya malapit sa isang sapa sa Ciudad De Hizon, Bgy. San Agustin, Lungsod ng San Fernando, Pampanga.
Base sa ulat ni Pampanga police director Col. Jay Dimaandal kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jean Fajardo na positibong kinilala ng kanyang mga magulang at kaanak ang biktimang 17-anyos na babae.
Ang biktima, isang Grade 12 student sa Pampanga High School, ay naiulat na nawawala noong Enero 13.
Ayon kay Dimaandal katuwang ang mga kaanak ng biktima, isasagawa ang autopsy examination upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay ng dalagita.
Batay sa mga natuklasan ng forensic unit ng PRO3 sa biktima ay walang nakitang senyales ng external injuries o panggagahasa.
Patuloy ang imbestigasyon kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.