
PATAY sa pamamaril ng riding-in-tandem ng armadong kalalakihan ang isang negosyante nitong Sabado sa highway sa Bgy. Apo Esquivel, Jaen, Nueva Ecija.
Base sa ulat kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen Jean Fajardo ng Nueva Ecija police ang biktima na si Jerry Flaminiano, 52, residente ng Cabanatuan City.
Lumalabas sa insiyal na imbestigasyon , sakay ng Ford sports utility vehicle ang negosyante nang biglang sumulpot ang isang itim na motorsiklo at pinagbabaril ito ng backrider ng ilang beses bago tumakas.
Isinugod si Flaminiano sa Nueva Ecija Medical Center, kung saan binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.
Agad na naglunsad ng “Oplan Bakod” operation ang pulisya ng Nueva Ecija para sa pagkakadakip sa mga suspek.