ITINALAGA bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP) si police Major General Nicolas Torre III.
Papalitan ni Torre si outgoing PNP chief Gen. Rommel Marbil na nakatakdang magretiro sa Hunyo 7 at mag – turnover of command sa Hunyo 2.
So Torre ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) “Tagapagpatupad” Class of 1993 na nagsilbi rin bilang direktor ng Quezon City Police District (QCPD) at Davao Regional Police Office, kung saan pinangunahan niya ang matagumpay na pag-aresto kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader na si Pastor Apollo Quiboloy matapos ang 16 na araw na malawakang operasyon ng pulisya.
Pinangunahan din ni Torre ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at ang paglilipat nito sa International Criminal Court (ICC) sa Hague, Netherlands sa gitna ng imbestigasyon sa umano’y crime against humanity nang kanyang ipinatutupad ang drug war.
Aabot si Torre sa mandatory retirement age na 56 sa Marso 11, 2027.
Siya ang magiging 31st PNP chief at pang-apat sa ilalim ng administrasyong Marcos.
