APAT na armadong kalalakihan ang nang-hijack ng isang oil tanker at pinatay ang driver at kanyang kasamang helper sa Rosario, La Union.
Ayon sa pulisya, pinagbabaril ang mga biktima saka iniwan ang mga ito sa tabi ng kalsada.
Sa imbestigasyon na ang mga suspek na nagpapanggap bilang mga uniformed personnel na siyang humarang sa oil tanker.
Pinilit ng mga armadong lalaki ang mga biktima na lumabas ng trak saka binaril ang mga itong ilang beses bago tumakas na may bitbit na oil tanker.
Natagpuan naman ang oil tanker sa Aguilar, Pangasinan.
Kung saan isa sa mga suspek ang naaresto sa isang follow-up operation sa Sual, Pangasinan.
