May 19, 2024

The Insider News

Direct from the source

Online seller at live-in partner huli sa pagbebenta ng shabu sa Quezon

Ni Alex dela Cruz

NATIKLO ang 32- online seller at kanyang live -in partner sa buy-bust operation makaraang mahulihan ng 219,500 hinihinalang shabu  nitong Biyernes  sa Purok 7,Barangay Dalahican ,Lucena lalawigan ng Quezon.

Ayon sa nakarating na ulat kay Quezon police director Col. Ledon Monte nakilala ang mga suspek na sina Aryana Marhiel Orcales at harold Pre, 38 anyos na pawang residente ng Purok, Bagong Buhay, Barangay Ilayang  Talim .

Nabibilang  ang dalawang suspek bilang high value individuals  dahil sa dati ng nakasuhan ng illegal na droga.

Narekober ang 10.76 gramo ng shabu  na tinatayang  nagkakahagang 219,504.

Ang mga suspek ay pansamantalang nakadetine sa  custodial facility ng  Lucena City police station.

 Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act of 9165 o Comprehensive  Dangerous Act of 2002.